Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at C:\xampp\htdocs\uplcares\index.php(1) : eval()'d code:1) in C:\xampp\htdocs\uplcares\wp-includes\functions.php on line 6279

Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at C:\xampp\htdocs\uplcares\index.php(1) : eval()'d code:1) in C:\xampp\htdocs\uplcares\wp-includes\feed-rss2.php on line 8
nicole – UPLcares https://care.uplines.net Thu, 02 Apr 2020 10:46:27 +0000 en-US hourly 1 UPL Quarantine Protocols para sa Nanumbalik (Repatriated) na Crew https://care.uplines.net/2020/03/23/upl-quarantine-protocols-para-sa-nanumbalik-repatriated-na-crew/ Mon, 23 Mar 2020 00:00:00 +0000 https://care.uplines.net/?p=473 Photo by Johnpsolis on Wikimedia

Para sa mabuting kalusugan at kapakanan ng ating komunidad at mga mahal sa buhay, hinihikayat namin ang lahat na mahigpit na sumunod sa mga alituntuning ito:

1. Magsuot ng mask at mag-sanitize

Pagdating sa bansa, magsuot ng mask, i-practice ang “physical distancing,” at mag-sanitize ng kamay hanggang siko gamit ang 70% alkohol.

2. Panatilihin ang “physical distancing” sa pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay

Habang nauunawaan namin na sa iyong pagdating ay nais mong bumati sa mga kamag-anak at mga kaibigan, mangyaring panatilihin ang pag-practice ng “physical distancing” – iwasan muna ang anumang paraan ng pagyakap, paghalik, at pakikipag-kamay sa sinuman, pati na rin sa mga tumatanggap sa iyo sa paliparan.

3. Panatilihin ang “physical distancing” sa mga pampubliko at pribadong sasakyan

Habang naglalakbay mula sa paliparan patungo sa mga tahanan, o mga panuluyan, mangyaring panatilihin ang distansya na hindi bababa sa isang (1) metro sa loob ng van, taxi, o bus.

4. Mag-sanitize bago pumasok ng bahay o panuluyan

Pagdating sa sariling mga bahay o panuluyan, agad na tanggalin ang panlabas na damit tulad ng mga jacket at sapatos at iwanan ang mga ito sa may pintuan, bago pumasok sa bahay o mga panuluyan. Agad na labhan ang iyong mga damit. Siguraduhin na ang mga bagahe, kabilang ang mga hand-carry, ay nai-disinfect bago dalhin sa loob ng bahay o panuluyan. Hangga’t maaari, ibilad sa araw ang mga bagahe.

Self-Quarantine sa bahay o lugar ng tirahan

1. 14 na araw na self-quarantine

Ang bawat isa ay dapat mag-self-quarantine sa bahay sa loob ng labing-apat (14) na araw. Mangyaring lumayo sa ibang miyembro ng pamilya at sa mga kaibigan. Kung maaari, mangyaring magtalaga ng isang silid para sa sarili sa susunod na 14 na araw. Ihiwalay ang mga kagamitang pagkain, katulad ng kubyertos, plato, baso, at tasa.

2. Panatilihin ang “physical distancing” tuwing kakain

Kung mananatili sa isang Hotel, mangyaring manatili lamang sa sariling silid ng 14 na araw. Kung maaari, ipahatid ang pagkain sa iyong silid. Kung mayroong isang common na silid-kainan, umupo nang hindi bababa sa isang metro (1 meter) o tatlong talampakan (3 feet) ang layo mula sa kaninuman. Huwag umupo sa tapat ng kahit sinuman.

3. Ugaliin ang proper hygiene

Hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig. Ugaliin na laging hugasan ang kamay ng hindi bababa sa 20 segundo at mag-sanitize gamit ang 70% alkohol. Maligo ng regular. Iwasan na hawakan ang mata, ilong, at bibig kung hindi pa nakapaghuhugas ng kamay.

Mangyaring tandaan ang mga sumusunod na sintomas ng COVID-19:

  1. Lagnat (maaaring lumitaw 2-14 araw pagkatapos ng exposure);
  2. Ubo;
  3. Hirap na paghinga;
  4. Diarrhea

Kung nararamdaman ang alinman sa mga sintomas na ito:

  1. Manatiling kalmado, manatili sa sariling silid, at iwasan ang paglabas;
  2. Maaari kang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na hotline ng DOH na nakalista sa ibaba o magpadala ng mensahe sa UPL sa pamamagitan ng Facebook. (facebook.com/unitedphilippinelines).
  3. Maghintay ng karagdagang mga tagubilin.
  4. Kung magpatuloy ang mga sintomas, mangyaring tumungo sa pinakamalapit na ospital.

Upang maiwasan ang kaguluhan, pagkalito, at takot, hinihiling namin na iwasan ang pag-post ng anumang negatibo sa social media. Hinihikayat namin ang lahat na magtulungan ngayong panahon ng krisis. 

DOH Hotlines:

(02) 894-26843 

Para sa PLDT, SMART, SUN, at TNT SUBSCRIBERS:

1555

#UPLcares


]]>
Hatid-Sundo sa mga Stranded OFWs https://care.uplines.net/2020/03/21/hatid-sundo-sa-mga-stranded-ofws/ Sat, 21 Mar 2020 11:16:00 +0000 https://care.uplines.net/?p=464 Photo Credit: Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

Dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon bilang pag-iingat sa banta sa kalusugan dulot ng COVID-19, ang OWWA ay maglulunsad ng “Hatid-Sundo sa mga Stranded OFWs”. Ang “Hatid-Sundo” ay isang serbisyo ng OWWA na magbibigay ng libreng transportasyon sa mga OFWs na babyahe mula at patungong NAIA.

Mga ruta at oras ng byahe:

NAIA TERMINAL TO DAU BUS TERMINAL (NLEX) – SCHEDULE: 7AM; 12 NN; 6PM (VICE-VERSA)
NAIA TERMINAL 3
NAIA TERMINAL 2
NAIA TERMINAL 1
TABANG EXIT
SM CITY SAN FERNANDO
DAU BUS TERMINAL

NAIA TERMINAL TO TURBINA TERMINAL (VIA SLEX) – SCHEDULE: 7AM; 12 NN; 6PM (VICE-VERSA)

NAIA TERMINAL 3
NAIA TERMINAL 2
NAIA TERMINAL 1
MCDONALDS (ST. DOMINIC), BACOOR
CENTRAL SAVEMORE, SALITRAN
SM DASMARINAS
STA. ROSA EXIT
TURBINA TERMINAL, CALAMBA

NAIA TERMINAL TO FAIRVIEW (VIA ESPAÑA) – SCHEDULE: 7AM; 12 NN; 6PM

NAIA TERMINAL 3
NAIA TERMINAL 2
NAIA TERMINAL 1
BACLARAN CHURCH
RAON OVERPASS, QUIAPO
WELCOME ROTONDA (UMDC)
PHILCOA (JOLLIBEE)
TANDANG SORA (MERCURY DRUG)
SANDIGANBAYAN
ROBINSONS COMMONWEALTH (BEFORE ROTONDA)

FAIRVIEW (VIA ESPANA) TO NAIA TERMINAL (VIA ESPAÑA) – SCHEDULE: 7AM; 12 NN; 6PM
ROBINSONS COMMONWEALTH (BEFORE ROTONDA)
OVERPASS FRONTING ST. PETER CHURCH
TANDANG SORA (MCDONALDS)
PHILCOA (PETRON)
DILG BLDG (FRONT)
WELCOME ROTONDA (MCDONALDS)
UST MAIN GATE
QUIAPO CHURCH
BACLARAN CHURCH
NAIA TERMINAL 1
NAIA TERMINAL 2
NAIA TERMINAL 3

NAIA TERMINAL TO MONUMENTO (VIA EDSA) – SCHEDULE: 7AM; 12 NN; 6PM

NAIA TERMINAL 3
NAIA TERMINAL 2
NAIA TERMINAL 1
AYALA (SHELL)
GUADALUPE MARKET
SM MEGAMALL
CUBAO (FARMERS PLAZA)
CENTRIS WALK, EDSA, Quezon Ave.
TRINOMA MALL
BALINTAWAK (SHELL)
MONUMENTO ROTONDA (MERCURY DRUG

MONUMENTO TO NAIA TERMINAL (VIA EDSA) – SCHEDULE: 7AM; 12 NN; 6PM

MONUMENTO ROTONDA (MERCURY DRUG)
BALINTAWAK (PUREGOLD)
TRINOMA MRT
QUEZON AVE. (MCDONALDS)
DLTB BUS STATION
STARMALL (SHAW BOULEVARD)
LOYOLA GUADALUPE
DUSIT THANI MAKATI
NAIA TERMINAL 1
NAIA TERMINAL 2
NAIA TERMINAL 3

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa mga sumusunod na numero:

  1. OWWA Hotline 1348;
  2. OWWA Counter (NAIA Terminal 1) – 09275781306;
  3. OWWA Counter (NAIA Terminal 2) – 09954825372;
  4. OWWA Counter (NAIA Terminal 3) – 09275781308;
  5. OWWA Repatriation Assistance Division

a. (02) 88917601 local 5212 , 5213

b. (02) 85516648.

Originally posted on:
https://www.owwa.gov.ph/index.php/news/central/92-announcement-libreng-sakay-para-sa-mga-ofws

]]>