Tag: quarantine
Photo by Johnpsolis on Wikimedia
Para sa mabuting kalusugan at kapakanan ng ating komunidad at mga mahal sa buhay, hinihikayat namin ang lahat na mahigpit na sumunod sa mga alituntuning ito:
1. Magsuot ng mask at mag-sanitize
Pagdating sa bansa, magsuot ng mask, i-practice ang “physical distancing,” at mag-sanitize ng kamay hanggang siko gamit ang 70% alkohol.
2. Panatilihin ang “physical distancing” sa pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay
Habang nauunawaan namin na sa iyong pagdating ay nais mong bumati sa mga kamag-anak at mga kaibigan, mangyaring panatilihin ang pag-practice ng “physical distancing” – iwasan muna ang anumang paraan ng pagyakap, paghalik, at pakikipag-kamay sa sinuman, pati na rin sa mga tumatanggap sa iyo sa paliparan.
3. Panatilihin ang “physical distancing” sa mga pampubliko at pribadong sasakyan
Habang naglalakbay mula sa paliparan patungo sa mga tahanan, o mga panuluyan, mangyaring panatilihin ang distansya na hindi bababa sa isang (1) metro sa loob ng van, taxi, o bus.
4. Mag-sanitize bago pumasok ng bahay o panuluyan
Pagdating sa sariling mga bahay o panuluyan, agad na tanggalin ang panlabas na damit tulad ng mga jacket at sapatos at iwanan ang mga ito sa may pintuan, bago pumasok sa bahay o mga panuluyan. Agad na labhan ang iyong mga damit. Siguraduhin na ang mga bagahe, kabilang ang mga hand-carry, ay nai-disinfect bago dalhin sa loob ng bahay o panuluyan. Hangga’t maaari, ibilad sa araw ang mga bagahe.
Self-Quarantine sa bahay o lugar ng tirahan
1. 14 na araw na self-quarantine
Ang bawat isa ay dapat mag-self-quarantine sa bahay sa loob ng labing-apat (14) na araw. Mangyaring lumayo sa ibang miyembro ng pamilya at sa mga kaibigan. Kung maaari, mangyaring magtalaga ng isang silid para sa sarili sa susunod na 14 na araw. Ihiwalay ang mga kagamitang pagkain, katulad ng kubyertos, plato, baso, at tasa.
2. Panatilihin ang “physical distancing” tuwing kakain
Kung mananatili sa isang Hotel, mangyaring manatili lamang sa sariling silid ng 14 na araw. Kung maaari, ipahatid ang pagkain sa iyong silid. Kung mayroong isang common na silid-kainan, umupo nang hindi bababa sa isang metro (1 meter) o tatlong talampakan (3 feet) ang layo mula sa kaninuman. Huwag umupo sa tapat ng kahit sinuman.
3. Ugaliin ang proper hygiene
Hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig. Ugaliin na laging hugasan ang kamay ng hindi bababa sa 20 segundo at mag-sanitize gamit ang 70% alkohol. Maligo ng regular. Iwasan na hawakan ang mata, ilong, at bibig kung hindi pa nakapaghuhugas ng kamay.
Mangyaring tandaan ang mga sumusunod na sintomas ng COVID-19:
- Lagnat (maaaring lumitaw 2-14 araw pagkatapos ng exposure);
- Ubo;
- Hirap na paghinga;
- Diarrhea
Kung nararamdaman ang alinman sa mga sintomas na ito:
- Manatiling kalmado, manatili sa sariling silid, at iwasan ang paglabas;
- Maaari kang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na hotline ng DOH na nakalista sa ibaba o magpadala ng mensahe sa UPL sa pamamagitan ng Facebook. (facebook.com/unitedphilippinelines).
- Maghintay ng karagdagang mga tagubilin.
- Kung magpatuloy ang mga sintomas, mangyaring tumungo sa pinakamalapit na ospital.
Upang maiwasan ang kaguluhan, pagkalito, at takot, hinihiling namin na iwasan ang pag-post ng anumang negatibo sa social media. Hinihikayat namin ang lahat na magtulungan ngayong panahon ng krisis.
DOH Hotlines:
(02) 894-26843
Para sa PLDT, SMART, SUN, at TNT SUBSCRIBERS:
1555
#UPLcares
